Naganap ang pagdiriwang ng ika-35 Anibersaryo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong Hulyo 1, 2026 sa Diliman, Quezon City, bilang pagkilala sa patuloy na dedikasyon at paglilingkod ng kanilang hanay.
Nakiisa si Mayor Rommel Magbitang sa programa at ginawaran ng BJMP Special Award for Municipal Mayor (National Level) bilang pagkilala sa patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic sa mga programa at pagpapalago ng Naic Municipal Jail. Kinilala rin ang BJMP Naic bilang National Awardee, patunay ng kanilang mahusay at tapat na paglilingkod.
Binabati ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic ang buong hanay ng BJMP sa kanilang ika-35 anibersaryo at hangad ang patuloy nilang matagumpay na paglilingkod.
