Sa pangunguna ni Yorme Rommel Magbitang, matagumpay na isinagawa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ang 4th Quarterly Meeting noong Oktubre 20, 2025, sa Liga ng mga Barangay (ABC) Building.

Dumalo rin sina Municipal Administrator Rodolfo Uy III, mga kinatawan mula sa Philippine Red Cross Cavite Chapter, Municipal Agriculturist Elma Valenzuela, MSWDO Christina Ilagan, at iba pang kawani ng konseho upang pag-usapan ang mga hakbang para sa kaligtasan at kahandaan ng mga Naicqueño at ng buong Bayan ng Naic.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga awareness at preparedness measures para sa mga sakunang gaya ng lindol, Influenza-like Illness (ILI), La Niña, at Oplan Undas, gayundin ang mga programa ng Preparedness, Response, Prevention and Mitigation, at Rehabilitation and Recovery Committees upang matiyak ang maagap na tugon sa anumang sitwasyon.

Binigyang-diin ni Yorme Rommel Magbitang ang patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya at mamamayan para mapanatiling handa, ligtas, at matatag ang Bayan ng Naic.