Matagumpay na isinagawa ng Naic Municipal Health Office (MHO), katuwang ang Family Planning Organization of the Philippines (FPOP), ng serbisyong pangkalusugan at nutrisyon para sa bawat Naicqueño nitong Lunes, Oktubre 20, sa Villa del Adelaida Homes Covered Court, Barangay Halang.
Ang layunin ng programa ay dalhin ang serbisyong medikal nang mas malapit sa tahanan ng bawat mamamayan ng bayan ng Naic.
Mga serbisyong ibinigay
- Libreng bakuna para sa mga sanggol at senior citizens
- Libreng chest X-ray at TST test para sa National Tuberculosis Program
- Screening para sa cervical at breast cancer
- Libreng konsultasyon
- Pamimigay ng bitamina at maintenance medicine para sa may highblood at diabetes



