Upang mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral at guro sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad at banta ng influenza-like illnesses, idineklara ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng DepEd Order No. 12, s. 2025, at inilabas na Memorandum noong Oktubre 22, 2025, ang pagsasagawa ng Wellness Break mula Oktubre 27 hanggang 30, 2025 sa mga pampublikong paaralan.
Suporta ng Lokal na Pamahalaan
Bilang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic sa layuning ito, hinihikayat ni Mayor Rommel Magbitang ang bawat Naicqueño, lalo na ang mga guro at kabataang mag-aaral, na gamitin ang panahong ito upang magpahinga, mag-recharge, at alagaan ang kalusugan ng katawan at isipan.
Iba pang petsa
- Idineklara ang Oktubre 31, 2025 (Biyernes) bilang Additional Special Non-Working Day sa bisa ng Proclamation No. 727, s. 2024.
- Muling magbabalik ang klase sa Lunes, Nobyembre 3, 2025.
