Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), isinagawa noong Martes, Hulyo 21, 2026, ang MDRRMO Open House Exhibition and Disaster Preparedness for Daycare Students sa Naic Command Center.

Sa pamamagitan ng paglilibot sa pasilidad at mga maikling talakayan, natuto ang mga daycare students ng tamang paghahanda sa lindol at iba pang emergency.

Patuloy na naghahanda ang Bayan ng Naic ng mas ligtas at mas handang mga batang Naicqueño.