Ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic na isasagawa ang UPLIFT Program Payout para sa 1,096 Group 2 beneficiaries sa:

  • Petsa: Miyerkules, Hulyo 22, 2026
  • Lugar: Naic Town Plaza
  • Oras: 7:00 AM

Mga Dapat Dalhin

  • National ID (Naic ang address – original at photocopy; maaari ang E-GOV copy)
  • Cellphone na may internet/data connection
  • Black ballpen

Kung hindi Naic ang address sa National ID:

  • Certificate of Residency
  • Isang (1) pang accepted government-issued ID

Accepted IDs:

  • Passport
  • Driver's License
  • PRC License
  • Voter's ID

Hindi tinatanggap:

  • Barangay ID
  • SSS ID
  • TIN ID

Paalala

  • Kung GCash ang napili, dapat nakapangalan mismo sa benepisyaryo ang account.
  • Kung LandBank ang napili at mayroon nang ATM card, dalhin ito sa araw ng payout.
  • Bawal ang naka-sando o sleeveless dahil kukunan ng larawan ng bangko.

Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga poor at near-poor households na natukoy sa pamamagitan ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Makatatanggap sila ng ₱2,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Disyembre 2026 bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Patuloy na nakikipagtulungan ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga kinauukulang ahensya upang maihatid ang mga programang nagbibigay ng napapanahong tulong sa mga Naicqueñong kwalipikadong benepisyaryo.