Pinasimulan ngayong September 18, 2026 ang Municipal Cooperative Month Kick-Off Celebration 2026 sa pamamagitan ng motorcade mula Municipal Hall hanggang Stadium Shopping Strip, tampok ang mga modernized transport units ng mga transport cooperatives ng Naic. Nakiisa rin si Mayor Rommel Magitang sa programa upang magboigay suporta sa ating mga kooperatiba. Sinundan ito ng program proper kasama ang mga cooperatives at partner agencies.

Pagdiriwang

Tampok sa pagdiriwang ang pagkilala sa iba't ibang kooperatiba ng bayan, dalawang pinakamatagal na cooperative, partner agencies, at Outstanding Cooperative Leader na si G. Joselito Tibayan. Layunin ng programa na higit na maipakilala at mapalakas ang papel ng mga kooperatiba sa komunidad, alinsunod sa temang "Matibay na Kooperatiba: Nagkakaisang Pamayanan para sa Kapayapaan at Kaunlaran."