Walang pasok sa paaralan
Dahil sa masamang panahon na dulot ng enhanced southwest monsoon at Severe Tropical Storm , ayon sa PAGASA-DOST, suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Naic, mula Huwebes, Setyembre 25, 2025 hanggang Sabado, Setyembre 27, 2025.
Walang pasok sa local government
- Suspendido ang pasok ng kawani ng pamahalaang lokal sa Biyernes, Setyembre 26, 2025 at Sabado, Setyembre 27, 2025.
- Maliban sa mga essential employees na kailangang magpatuloy sa kanilang serbisyo.
Modular distance learning
Bagamat walang klase, inaabisuhan ang mga paaralan sa bayan ng Naic na sumunod sa mga probisyon ng DepEd Order No. 022, s. 2024. Mag-shift sa modular distance learning upang masigurong tuloy-tuloy ang pag-aaral at natutugunan ang mga learning competencies ng mga mag-aaral.
Paalala sa mga kabataan
Gamitin ang pagkakataong ito upang tumulong sa mga gawaing bahay, magbasa, at patuloy na palawakin ang kaalaman. Ang bawat araw ay may dalang bagong aral. Maging produktibo at responsable, kahit walang pasok.
Paalala sa lahat ng Naicqueños
- I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
- Maghanda ng emergency kits.
- Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
- Lumikas kung kinakailangan.
- Huwag kalimutan ang mga alagang hayop sa bahay na ilikas kung kailangan.
Mga emergency hotline
- MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
- PNP Hotline: 0998-598-5621
- BFP Hotline: 0956-4830-226 / 0956-4830-753
