Nakibahagi ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, sa coastal cleanup activity ngayong September 19, 2026 sa Barangay Timalan Concepcion, kasama ang mga volunteers at iba pang mga organisasyon sa bayan ng Naic.

Bahagi ito ng sama-samang pagkilos para mapanatili ang kalinisan ng ating mga baybayin at mapangalagaan ang karagatan. Patuloy na hinihikayat ang pakikiisa ng komunidad sa mga gawaing pangkalikasan.