Abiso sa Lagay ng Panahon

Alinsunod sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), inaasahan ang light to moderate rains na may paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa buong lalawigan ng Cavite sa loob ng susunod na tatlong (3) oras dulot ng Low Pressure Area (LPA).

Pinapayuhan ang lahat ng Naicqueño na maging alerto, lalo na ang mga naninirahan sa mga mabababang lugar, tabing-ilog, at mga lugar na madaling bahain. Ugaliing subaybayan ang lagay ng panahon at sundin ang mga paalala ng ating mga awtoridad upang maiwasan ang anumang panganib.

Patuloy ang monitoring ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), upang matiyak ang kaligtasan at agarang pagbibigay ng impormasyon sa ating mga kababayan.

Mga Paalala

  • Subaybayan ang mga opisyal na weather advisories.
  • Maghanda ng emergency kit at flashlight.
  • Iwasan ang pagtawid o pagdaan sa mga baha.
  • Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
  • Lumikas agad kung kinakailangan.
  • Huwag kalimutang isama ang ating mga alagang hayop kung kinakailangang lumikas.

Emergency Hotlines

  • MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
  • Naic PNP Hotline: 0998-598-5621
  • BFP Hotline: (046) 412-3774 / 0946-9565-753 / 0956-4830-753
  • MHO Hotline: (046) 889-9316 / (046) 889-0499 / (046) 889-4504