Pinangunahan ni Mayor Rommel Magbitang at Naic Disaster Risk Reduction and Management Officer Augusto A. Gonzales ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting para sa Southwest Monsoon enhanced by Typhoon "Inday," noong Huwebes, Hulyo 9, 2026, alas 9:00 ng umaga.
Layunin ng pagpupulong
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya at mga barangay bilang paghahanda sa maaaring epekto ng Southwest Monsoon na pinalakas ng Typhoon "Inday." Tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang lagay ng panahon, mga nakahandang plano at hakbang na ipapatupad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Naiceño, maagap na pagtugon, at maiwasan ang anumang pinsalang maaaring dulot ng bagyo.
Para sa emergency
Para sa anumang emergency, maaari po kayong tumawag sa:
- Naic MDRRMO Hotline: (046) 410-5725
- Globe: 0917-812-8187



