Ayon sa Heavy Rainfall Warning No. 29 ng Cavite-PDRRMO, nakataas na ang Red Rainfall Warning sa Bayan ng Naic dulot ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat).
Pinapaalalahanan ang lahat ng Naicqueño na manatiling alerto at magsagawa ng kinakailangang pag-iingat, lalo na ang mga nasa mabababang lugar, tabing-ilog, at mga lugar na madaling bahain.
Mga dapat tandaan
- Subaybayan ang mga opisyal na weather advisories at abiso ng mga awtoridad.
- Ihanda ang emergency kit, flashlight, pagkain, tubig, gamot, at mahahalagang dokumento.
- Ilagay sa ligtas na lugar ang mahahalagang gamit at dokumento, lalo na kung nasa lugar na madaling bahain.
- Iwasang tumawid o dumaan sa baha at malalakas na agos ng tubig.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at iba pang nangangailangan ng dagdag na pag-aalaga.
- Lumikas agad kung inabisuhan o kung hindi na ligtas ang inyong lugar.
- Huwag kalimutang isama ang ating mga alagang hayop kung kinakailangang lumikas.
Patuloy ang monitoring ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), para sa patuloy na pagbabantay at agarang pagtugon sa anumang pangangailangan.
Manatiling alerto, ligtas, at nakatutok sa mga opisyal na abiso.
