Pagkilala sa Naic Municipal Police Station
Taos-pusong nagpapasalamat ang lokal na pamahalaang bayan ng Naic sa Naic Municipal Police Station, sa pamumuno ni PLTCOL Louie Dela Cuesta Gonzaga, sa kanilang walang sawang serbisyo at dedikasyon para sa kapayapaan at seguridad ng bayan ng Naic.
Kinikilala rin ang kanilang natatanging tagumpay sa "HULI" Week (Marso 30 hanggang Abril 5, 2026), kung saan nakamit nila ang Rank 1 sa Class A Category at Rank 1 sa province-wide level, matapos ang matagumpay na operasyon laban sa mga wanted persons.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng kanilang husay, sakripisyo, at malasakit sa bawat Naicqueño. Maraming salamat sa inyong serbisyo na tunay na sandigan ng isang ligtas at maayos na Naic.
