Maayos na naisagawa ang Localized Social Pension Payout para sa ating mga senior citizens mula sa Brgy. Bagong Kalsada, Bucana Malaki, Bancaan, at Sapa nitong April 28, 2026.

Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic na maihatid nang maayos ang mga programang nagbibigay suporta at pagkilala sa ating mga nakatatanda. Mananatiling katuwang ng bawat Naicqueño ang lokal na pamahalaang bayan Naic sa pagpapatupad ng mga serbisyong may malasakit at tunay na pakinabang sa komunidad.