SSS at TIN Registration sa Bayan ng Naic
Matagumpay na naisagawa ang SSS at TIN Registration ngayong Lunes, Abril 27, 2026, sa Waltermart, Sabang, Naic, Cavite.
Maraming Naicqueño ang lumahok at nakinabang sa programa na naglalayong mapalapit at mapabilis ang access sa mahahalagang dokumento at serbisyong panlipunan para sa bayan ng Naic. Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng nakibahagi at naging katuwang sa matagumpay na implementasyon ng programang ito para sa kapakanan ng bawat Naicqueño.



