Panalo ang Pamilyadong Planado!

Sa pamumuno ng ating Yorme Rommel Magbitang at sa pakikipagtulungan ng Naic Municipal Health Office at DKT Philippines Foundation, matagumpay na isinagawa ang National Family Planning Month 2025 celebration na may temang “Panalo ang Pamilyadong Planado.”

Family Planning Caravan – Usapang Serye

Tinalakay dito ang iba't ibang provisional family planning methods gaya ng Bilateral Tubal Ligation (BTL), Non-Scalpel Vasectomy (NSV), at Implant Insertion—mga ligtas at epektibong paraan upang mapangalagaan ang kalusugan at kinabukasan ng bawat pamilya.

Layunin ng programang ito na pagtibayin at bigyang-halaga ang pinakamahalagang yunit ng lipunan—ang pamilya.

“Kapag ang pamilya ay planado, bawat pamilya ay panalo.”