Naganap ang Fundamentals of Cooperative Governance and Management nitong Pebrero 25, 2026 (Miyerkules), sa Daluyan, Malainen Bago, Bayan ng Naic, Cavite, sa pangunguna ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer (OMABE), sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang sa pagpapalakas ng mga organisasyon sa komunidad.
Mga tinalakay
Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang prinsipyo ng wastong pamamahala, pananagutan, at epektibong pamunuan ng mga kooperatiba. Nabigyan ang mga kalahok ng mas malalim na pag-unawa sa governance at management upang matiyak ang maayos, transparent, at responsableng pagpapatakbo ng kanilang mga samahan.
Layunin ng programa
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na pinatitibay ng Pamahalaang Bayan ng Naic ang kakayahan ng mga kooperatiba bilang katuwang sa pagbuo ng mas organisado at mas matatag na komunidad para sa bawat Naicqueño.



