Paalala mula sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic
Isang indibidwal ang nasangkot sa ilegal na pagbebenta ng xerox copy ng housing application forms.
Ito ay nakumpirma sa pamamagitan ng koordinasyon ng Naic Municipal Police Station at ng Task Force Housing sa pangunguna ni former Councilor Atty. Ferdinand "Ding" Wakay, Task Force Housing Head. Nitong Miyerkules, January 14, 2026.
Hinihikayat ang lahat ng Naicqueño na makipagtransaksyon lamang sa opisyal na tanggapan at agad i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang gawain upang maprotektahan ang ating komunidad laban sa mga maling gawain.



