Isang indibidwal ang sangkot sa ilegal na pagbebenta ng photocopy ng housing application forms para sa pabahay sa bayan ng Naic.

Pagkakahuli

Nahuli at nakumpirma ang indibidwal sa koordinasyon ng Naic Municipal Police at ni Task Force Housing Head - Atty. Ferdinand Wakay kasama ang Naic Task Force Housing. Nitong Miyerkules, Enero 14, 2026.

Paalala

Muling ipinapaalala ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic na ang lahat ng opisyal na dokumento at proseso para sa pabahay ay libre at hindi kailanman ibinibenta o mabibili. Ang sinumang maniningil o magbebenta ng anumang housing forms ay walang pahintulot at hindi kinikilala ng pamahalaan at maaaring maparusahan ng pagkakakulong.