Sa patuloy na pagbibigay-serbisyo ng Office of the Municipal Agriculture and Biosystems Engineer, isinagawa ang Anti-Rabies Vaccination nitong Huwebes, Enero 15, 2026, sa Bucana Malaki Covered Court, Barangay Bucana Malaki, Naic, Cavite.

Layunin ng programang na maprotektahan ang mga alagang hayop at maiwasan ang pagkalat ng rabies na banta sa kalusugan ng tao at hayop.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng kaligtasan at kalusugan ng bayan ng Naic.