Naganap nitong Martes, Mayo 12, 2026, sa Naic Town Plaza ang pamamahagi ng Senior Octogenarian, Nonagenarian, at Centenarian Incentives bilang pagkilala sa ating mga nakatatandang Naicqueño.

Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, naging maayos ang daloy ng programa na layuning kilalanin at suportahan ang ating mga elderly milestoners bilang bahagi ng patuloy na pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa lipunan.

Patuloy ang pagsuporta ng Bayan ng Naic sa kapakanan at dignidad ng ating mga senior citizens sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay pagkilala at tulong para sa kanila.