Para sa kaalaman ng mga Naicqueño, narito ang mga detalye para sa unang 1000 benepisyaryo na makakatanggap ng fuel subsidy na 5,000 Pesos at may apelyidong nagsisimula sa letrang A at bahagi ng letrang C sa gaganaping pamamahagi.

Iskedyul at Lugar

  • Petsa: Biyernes, Mayo 22, 2026
  • Oras: 9:00 AM
  • Lugar: Sigtuna, TICC, Tagaytay City

Mga Paalala bago Pumunta

Bawal ang Authorization Letter. Mahigpit na ipinatutupad na ang mismong benepisyaryo ang personal na pumunta. Hindi papayagan ang proxy o pagpapadala ng authorization letter.

Para sa may discrepancy (mali sa pangalan o detalye). Kung may pagkakaiba ang spelling ng pangalan ninyo sa masterlist, magdala lamang ng mga supporting documents tulad ng:

  • Valid ID (na may picture at pirma)
  • Birth Certificate (PSA)
  • TODA ID / Registration

Dumating nang maaga. Mas maganda kung nandoon na kayo bago mag-9:00 AM para sa mas mabilis na beripikasyon.