Naganap nitong Mayo 18, 2026, sa Naic Municipal Hall ang Local School Board Meeting, kung saan tinalakay ang mahahalagang programa at hakbang para sa patuloy na pagpapalakas ng edukasyon para sa mga mag-aaral na Naicqueño sa Bayan ng Naic.
Patuloy ang pagtutulungan ng mga kinauukulang tanggapan upang matiyak na mas marami pang oportunidad at mas maayos na serbisyong pang-edukasyon ang maihahatid para sa kapakinabangan ng bawat kabataang Naicqueño at sa patuloy na pag asenso ng Bayan ng Naic.



