Makabuluhang pagpupulong ang isinagawa noong Miyerkules, Hulyo 2, 2025, sa opisina ni Yorme Rommel Magbitang kasama ang mga School Supervisor ng District 1-3 ng Naic na sina Mrs. Alma Lopez, Mr. Arnel Zapanta at Dr. Helen Aure.

Gayundin, ngayong Huwebes, Hulyo 3, 2025, nakipagpulong ang mga guro at principals ng lahat ng paaralan sa ating Bayan.

Ayon kay Yorme, napakaimportanteng pag-usapan ang estado at sitwasyon ng edukasyon sa ating Bayan. Nangako si Yorme Magbitang na buo ang kanyang suporta pagdating sa edukasyon, na siyang pinakasusi ng magandang kinabukasan ng mga Batang Naic.