Nagtungo ngayong araw ang ating mga doktor, nurses, medtech at UP-CHDP sa opisina ni Yorme Rommel Magbitang sa pangunguna ng ating Municipal Health Officer na si Mrs. Ma. Carolina Matel.

Masaya silang nakipag-kumustahan at nagsagawa ng pagpupulong ukol sa pagpapatuloy ng mga programa at serbisyong medikal na kinakailangan ng ating mga kababayan.

Lubos naman ang pasasalamat sa kanila ni Yorme Rommel Magbitang sa walang pagod nilang pagseserbisyo sa ating mga kababayan.