Isinagawa ang pagsasanay para sa space spraying at residual spraying sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang at sa pangunguna mula sa Provincial Government of Cavite sa Triple 8, Barangay Sabang, Naic, Cavite, noong Nobyembre 4, 2026.

Tampok ang return demonstration sa space spraying, indoor at outdoor residual spraying, at wastong paghahanda ng kemikal.

Mahalaga ang ganitong pagsasanay dahil ang lamok na Aedes ang nagdadala ng mga sakit tulad ng dengue. Kapag may sapat kaalaman sa tamang paraan ng pagkontrol sa lamok, mas napoprotektahan ang kalusugan ng bawat Naicqueño.