Inaanyayahan ang lahat na makibahagi at makiisa sa Paligsahan sa Buwan ng Wika sa darating na Agosto 29, 2025, ganap na 8:00 ng umaga sa Liwasang Bayan ng Naic.
Saksihan at damhin ang husay at galing ng mga kabataang Naikeño sa mga natatanging patimpalak:
- Likha-Kuwento
- Sayaw-Interpretasyon
- Sayaw na Cariñosa (Folk Dance Competition)
Para sa kabuuang detalye, makipag-ugnayan sa inyong paaralan hinggil sa pagsali at basahin ang mga itinakdang alituntunin ng bawat paligsahan.
Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng ating sariling wika at kultura. Huwag palalampasin!



