Takbo para sa Kalusugan!

Naging matagumpay ang community health initiative ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang at pakikipagtulungan ng NAIC- Rural Health Unit sa pamamagitan ng Fun Run 2025 na ginanap ngayong Agosto 21.

Ang naganap na fun run ay may temang "Bawat Takbo, Baga ay Panalo" na nag-promote ng healthy lifestyle at kahalagahan ng regular exercise at community bonding para sa overall wellness.