Naganap kahapon, Agosto 20, 2025, ang 2-Day Peer Facilitation Training ng RHU-Naic para sa mga kabataan. Layunin nitong ihanda at bigyang kakayahan ang youth leaders mula sa iba't ibang organisasyon upang maging epektibong tagapamagitan at tagapaghatid ng tamang kaalaman sa kanilang kapwa kabataan.

Sa tulong ng mga Adolescent Coordinators at facilitators, matagumpay na nailunsad ang iba't ibang modules na tutulong sa mga kabataan na mas maging matatag, handa, at may malasakit sa komunidad.

Sama-sama nating suportahan ang ating kabataan, dahil ang kanilang kakayahan at boses ay mahalagang susi sa mas maayos at mas ligtas na kinabukasan.