Valentine's Day 2026: Pamamahagi ng Bulaklak

Ngayong Araw ng mga Puso, personal na namahagi si Mayor Rommel Magbitang ng mga bulaklak sa ating mga kababayang Naicqueño bilang simbolo ng pagmamahal, malasakit, at pasasalamat.

Ang simpleng handog na ito ay paalala na ang diwa ng Valentine's Day ay nasa gawa at pagkakaisa, hindi lamang sa salita. Sama-sama nating ipagdiwang ang araw ng puso na puno ng saya at malasakit sa bawat pamilyang Naicqueño.