Sa darating na Pawikan Festival 2026, Pebrero 13, 2026, sabay-sabay nating alagaan ang pawikan, protektahan ang kalikasan, at isalba ang kinabukasan!

Ito ang tema ng pagdiriwang ngayong taon dahil malinaw ang mensahe: nasa ating mga kamay ang kapalaran ng mga pawikan.

May mga nilalang sa mundo na hindi kayang magsalita, hindi kayang humingi ng tulong, at hindi kayang ipagtanggol ang kanilang sarili. Kaya tayo ang kanilang tinig. Tayo ang kikilos. Tayo ang magmamalasakit.

Ang Pawikan Festival ay hindi lang selebrasyon. Isa itong paalala na ang bawat maliit na aksyon natin ay may malaking epekto sa buhay nila at sa mundong tinitirhan natin.

Sa Naic, pinipili natin ang malasakit. Pinipili natin ang pangangalaga. Pinipili natin ang kinabukasan.