National Bible Week Celebration
Nakikiisa ang Bayan ng Naic sa paggunita ng National Bible Week ngayong Biyernes, January 30, 2026, sa Naic Town Plaza kasama ang ating butihing mayor, Mayor Rommel Magbitang. Ang pagdiriwang na ito ay paalala sa mahalagang papel ng Salita ng Diyos sa paghubog ng mabuting asal, matatag na pananampalataya, at wastong pagpapahalaga sa araw-araw na pamumuhay ng bawat Naicqueño.
Tema
Sa temang "God's Word Brings L.I.F.E. to Our Hearts and to Our Homes," binibigyang-diin ang pagmamahal, integridad, pananampalataya, at aktibong pakikilahok sa komunidad, mga pagpapahalagang nagsisilbing gabay tungo sa mas maayos, mapayapa, at nagkakaisang bayan ng Naic.
