Isang buong araw ng saya, kaalaman, pagkilos, at pagkakaisa para sa ating mga pawikan at sa ating baybayin.
Sa temang "Alagaan ang Pawikan, Pahalagahan ang Kalikasan, at Isalba ang Kinabukasan", sama-sama tayong kikilos para sa mga nilalang na hindi kayang magsalita, hindi kayang humingi ng tulong, at hindi kayang ipaglaban ang kanilang tahanan. Tayo ang magiging boses nila.
Mga Ganap sa Pawikan Festival 2026
- Pawikan Color Run, Naic Plaza
- Pawikan Zumba, Naic Plaza
- Pawikan Cheer Chant, Naic Covered Court
- Pawikan Environmental Forum, Naic Covered Court
- Pawikan Coastal Clean Up Drive, Pawikan Sanctuary, Brgy. Labac
- Pawikan Releasing Ceremony, Pawikan Sanctuary, Brgy. Labac
Kita-kits sa ating Pawikan Festival 2026!
