Ang pinakahihintay na Pawikan Festival ng bayan ng Naic ay magsisimula na sa Biyernes, Pebrero 13, 2026.
Isang araw na puno ng pagdiriwang, malalim na pagkatuto, at higit sa lahat, matibay na pagkakaisa ang naghihintay sa ating lahat. Maging bahagi ng kasaysayan at sumali sa makabuluhang selebrasyong ito.
Ipagdiwang nating mga Naicqueño ang pawikan bilang simbolo ng ating buhay, pag-asa, at ang maningning na kinabukasan ng ating bayan ng Naic.
