Ipinapaalam sa lahat ng motorista at residente ng Naic na magkakaroon ng pansamantalang pagbabago sa daloy ng trapiko upang bigyang-daan ang gaganaping "Takbo Para Sa Pawikan." Pinapayuhan ang lahat na magplano ng biyahe nang maaga upang maiwasan ang abala.

Petsa

Biyernes, Pebrero 13, 2026

Pansamantalang Pagpapasara ng Kalsada (Temporary Road Closure)

Ang mga sumusunod na kalsada ay pansamantalang isasara sa mga sasakyan:

  1. Sapa sa tapat ng Everlasting Park
  2. Rizal Street patungong Naic Town Plaza

Stop-and-Go Traffic Scheme

Inaasahan ang paghinto at pag-usad ng trapiko sa mga sumusunod na lugar:

  1. Zamora St. (malapit sa Goldilocks)
  2. Gomez St. (tapat ng Bangko Mabuhay)
  3. Intersection palabas ng Ibayo Estacion
  4. Intersection palabas ng Public Market (tapat ng Unioil)
  5. Intersection palabas ng Querubin
  6. A. Soriano Highway – Sabang Crossing
  7. Intersection palabas ng Public Market (tapat ng Overland)
  8. Intersection palabas ng Brgy. Makina (tapat ng Naic Doctors Hospital at Holy Spirit Clinic)
  9. San Roque Crossing patungong Santulan
  10. Capt. C. Nazareno St. patungong Humbac (Holy Spirit)
  11. Capt. C. Nazareno St. palabas ng Burgos St.
  12. Exit ng Yoyo Jocson St. (tapat ng Monterey Meat Shop)
  13. Intersection ng Zamora St. patungong Palengke

Alternatibong Ruta (Alternate Route)

NIA Road – mula Everlasting Sapa patungong Malainen Bago

Hinihiling ang kooperasyon ng lahat na sundin ang mga traffic enforcers. Asahan ang posibleng pagkaantala sa biyahe.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.