Mga detalye ng programa
Isinagawa ngayong Martes, Agosto 4, 2026, ang PhilHealth YAKAP para sa Manggagawa sa Timalan Concepcion Covered Court sa pangunguna ng Municipal Health Office (MHO).
Layunin ng programang ito na mailapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa ating mga manggagawa sa pamamagitan ng:
- Konsultasyon
- Mga kinakailangang laboratory at diagnostic services
- Essential medicines
- Iba pang serbisyong saklaw ng PhilHealth YAKAP
Patuloy na serbisyo
Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang mga programang nagbibigay ng mas accessible at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga Naicqueño.



