Sa pangunguna ng Naic Municipal Health Officer na si Dr. Ma. Carolina Matel, naging matagumpay ang roll out training para sa Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition (PIMAM) sa Amisa Medical Mission Hospital sa Barangay Sabang ngayong araw.
Mga kalahok
- 31 barangay nutrition scholars
- 30 barangay health workers coordinators
Nilahukan ng mga nabanggit ang comprehensive training na ito na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga frontline health workers sa tamang pag-manage ng acute malnutrition sa mga barangay ng Naic.



