Sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 4-A, matagumpay na naganap ang pre-project scoping at coordination meeting para sa proposed Naic Aquaculture Research Center (NAC), kung saan tinalakay ang mga plano, napiling site, at mga hakbang para masiguro ang maayos na implementasyon ng proyekto.

Ngayong Miyerkules, Enero 21, 2026 sa Naic Municipal Hall.

Ang NAC ay makakatulong na mapalakas ang aquaculture industry at maghatid ng mas maraming oportunidad sa mga mangingisda at kabuhayan ng mga Naicqueño.