Naghatid ng kaalaman ang Naic Traffic Management Office (NTMO) sa suporta ni Mayor Rommel Magbitang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Road Safety Information and Education Campaign sa Cavite Community Academy, Inc. (CCAI) ngayong June 9, 2026.
Sa pakikipagtulungan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Philippine National Police (PNP), Land Transportation Office (LTO) CALABARZON, at iba pang mga ahensya, nagkaroon ng talakayan ukol sa road safety, disiplina sa kalsada, at responsableng paggamit ng mga lansangan.
