School chairs ipinamahagi
Matagumpay na ipinamahagi nitong Lunes, Hunyo 8, 2026 ang mga school chairs sa Timalan Hills View Integrated School bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang na mapabuti ang learning environment ng ating mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na sinusuportahan ang edukasyon at sinisiguro na mas komportable at mas maayos ang pagkatuto ng bawat kabataang Naicqueño.



