Signal No. 1
Alinsunod sa Tropical Cyclone Bulletin Nr. 3 ng DOST-PAGASA, nakataas na ang TCWS No. 1 o Signal No. 1 sa lalawigan ng Cavite at mga kalapit na lugar dahil sa Bagyong .
Pinapayuhan ang lahat ng mga naninirahan sa mabababang lugar at tabing-dagat na simulan na ang maagang paglikas sa mga matataas na lugar o pinakamalapit na evacuation center sa ating barangay upang maiwasan ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian.
Hindi humihinto sa pagmo-monitor ang ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, katuwang ang ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa posisyon at lakas ng bagyo upang matiyak na ang bawat isa ay may sapat na impormasyon para sa kanilang kaligtasan.
Paalala para sa mga Naicqueños
- I-check ang balita sa opisyal na Facebook page.
- Maghanda ng emergency kits.
- Iwasan ang pagbiyahe sa mga binabahang lugar.
- Bantayan ang mga bata, nakatatanda, at mga may karamdaman.
- Lumikas kung kinakailangan.
- Huwag kalimutan ang ating mga alaga sa bahay na ilikas kung kailangan.
Mga emergency hotline
- MDRRMO Hotline: 410-5725 / 0917-812-8186
- Naic PNP Hotline: 0998-598-5621
- BFP Hotline: (046) 412-3774 / 0946-9565-753 / 0956-4830-753
- MHO Hotline: (046)-889-9316 / (046)-889-0499 / (046)-889-4504
