Patuloy ang pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang sa edukasyon ng mga kabataang Naicqueño sa pamamagitan ng pamamahagi ng school bags sa mga mag-aaral ng Calubcob Elementary School at Timalan Hillsview Royale Elementary School, nitong Lunes, January 19, 2026, sa Bayan ng Naic.

Layunin ng programa

Bahagi ito ng tuloy-tuloy na inisyatiba ng pamahalaang bayan upang palakasin ang suporta sa edukasyon at ihanda ang mas maayos na kinabukasan ng kabataang Naicqueño.