Naganap ang anti-rabies vaccination program sa Barangay Capt. C. Nazareno sa tulong ng Office of the Municipal Agriculture and Biosystems Engineer (OMABE) at suporta ni Mayor Rommel Magbitang bilang pakikiisa ng Lokal na pamahalaang bayan ng Naic sa implementasyon ng programa para sa mga alagang hayop sa bayan ng Naic, ngayong Martes, Enero 20, 2026, sa Captain C. Nazareno Barangay Hall, Naic, Cavite.
Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na koordinasyon ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kalusugan ng mga alagang hayop at ang kaligtasan ng buong komunidad sa Bayan ng Naic.



