Personal na binisita ni Yorme Rommel Magbitang nitong Lunes, Hulyo 14, 2025, ang isinasagawang konstruksyon ng mga pansamantalang silid-aralan sa Ciudad Nuevo De Naic Elementary School.

Dahil sa dami ng mga batang mag-aaral, kulang na kulang na ang silid-aralan sa paaralang ito, kaya't isa ito sa mga tinutukan ni Yorme Magbitang.