Nagsagawa ng Search and Destroy Dengue Awareness and Clean up Drive Campaign noong araw ng Sabado, Hulyo 12, 2025, ang pamunuan ng Hyacinth Subdivision, Naic View Subdivision at Parkstone Subdivision.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ng RSI Team kasama ang iba't ibang volunteers, Barangay Officials, BHW's, 4P's, TUPAD members, HOA officers at iba pa.

Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng mga subdivision dahil malaking tulong umano ang malawakang paglilinis upang makaiwas at masugpo ang kaso ng dengue sa naturang lugar.