Magandang balita para sa mga kabataang Naicqueño na naghahanap ng trabaho ngayong bakasyon!

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic sa pamumuno ni Mayor Rommel Anthony V. Magbitang, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) - Naic at ng Department of Labor and Employment ay magkakaroon ng Special Program for Employment of Students (SPES).

Ang Online Application Form Links ay ipopost sa Biyernes, Abril 10, 2026, 8:00 AM hanggang 12:00 PM dito sa aming Facebook Page.

Paalala

  • Hindi po kami tatanggap ng pa unang dokumento sa aming opisina.
  • Mag antay ng text mula sa PESO kung kelan ang initial interview.

Para sa mga katanungan at iba pang impormasyon, maaring kontakin ang official Facebook page ng LGU Naic PESO:

https://www.facebook.com/share/18WXkhHXrV/