Isasagawa ng Local Council for Women ang isang Medical Mission sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office (MHO) at Family Planning Organization of the Philippines – Cavite bilang bahagi ng adbokasiya para sa mga kababaihan.
- Petsa: Abril 13, 2026
- Oras: 8:00 AM – 12:00 PM
- Lugar: Villa Adelaida Covered Court, Barangay Halang, Naic
Ang serbisyong ito ay FIRST COME, FIRST SERVE para sa mga Naicqueño Women.
Ang programang ito ay buong pusong sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang kasama ang Chairperson ng Local Council of Women na si Dra. Rommelyn Magbitang, bilang patunay ng patuloy na pagbibigay-serbisyo at pag-aalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan sa ating bayan ng Naic.
Inaanyayahan ang lahat ng kababaihang Naicqueño na makiisa at makibahagi sa programang ito upang mapangalagaan ang inyong kalusugan at kapakanan. Sama-sama nating palakasin ang kababaihan ng Bayan ng Naic!



