Sa naganap na pagdiriwang ng National Reading Month at National Children's Month, masayang naghandog ng storytelling ang ating Mayor Rommel Magbitang at Congresswoman Aniela Tolentino sa Ciudad Nuevo Elementary School sa Brgy. Sabang, Naic, Cavite.

Napakagandang makita ang sigla at saya ng ating mga kabataang Naicqueño habang sabay-sabay tayong nagbabasa at nagkukuwento. Sa ganitong mga pagkakataon, mas napagtitibay natin ang kultura ng pagbasa, hindi lang para sa kanila kundi para sa buong Bayan ng Naic.