Sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang sa kalusugan ng Naicqueño, dumalo siya sa pagtitipon ng Cavite Public Health Nurses Association (CAPHENA) na ginanap sa Triple 8, Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Muli niyang kinilala ang mahalagang papel ng ating public health nurses sa pagpapatibay ng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Naicqueño.