Detalye ng Takbo

Inaanyayahan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Labac, sa pakikipagtulungan ng Office of the Mayor, Municipal Tourism Office, at iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Naic, sa pamumuno ng ating butihing Mayor Rommel A. Magbitang, ang lahat ng Naicqueño na makiisa sa isang makabuluhan at makakalikasang aktibidad: ang Takbo Para sa Pawikan: Alagaan ang Kinabukasan – Color Run.

Ang fun run na ito ay naglalayong suportahan ang Pawikan Hatchery ng Barangay Labac, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng ating bayan para sa pangangalaga ng kalikasan at konserbasyon ng mga pawikan.

  • Petsa: Biyernes, Pebrero 13, 2026
  • Oras: 5:00 AM
  • Lugar: Naic Town Plaza
  • Distance Covered: 3.5 Kilometers

Registration Fees

  • ₱250 – Early Bird (unang 50 registrants lamang)
  • ₱300 – Regular Registration
  • ₱350 – Walk-in Registration

Kasama sa Registration

  • Official Race Bib
  • Event Shirt
  • Color Powder
  • Finisher Certificate

Paano Sumali

  1. I-scan ang QR code o bisitahin ang link: https://forms.gle/tegfjLc1xPUivZT97
  2. Punan nang buo ang registration form.
  3. Magbayad ng registration fee at i-upload ang proof of payment.
  4. Maghintay ng kumpirmasyon at i-claim ang race kit sa itinakdang schedule.

Lahat ng malilikom na pondo ay direktang mapupunta sa Pawikan Hatchery, bilang suporta sa pangangalaga ng ating yamang-dagat dito sa Bayan ng Naic.

May mga papremyo ring ipamamahagi sa pagtatapos ng fun run bilang pasasalamat sa lahat ng kalahok.

Sama-sama nating ipakita ang malasakit sa kalikasan habang isinusulong ang kalusugan at aktibong pamumuhay.

Tara na at makilahok: para sa pawikan, para sa kalikasan, para sa Bayan ng Naic!